Chapter 19

[A story from haveyouseenthisgirl.blog]

“Are you smoking, Sairyl?”

Nagulat ako nang itanong niya ito bigla sa akin pagkasakay ko sa kotse niya.

“Ha? Hindi ah.” Inamoy ko ang buhok ko at mukhang kumapit ang amoy ng sigarilyo. I tried to lie, “Amoy sigarilyo ba ako? ‘Yong mga ka-work ko kasi naninigarilyo kaninang lunchbreak habang kausap ko sila, kumapit siguro ang amoy sa akin.” 

“You know smoking is bad for you, right?” Hindi siya tumitingin sa akin at hindi niya rin pinapaandar ang sasakyan. May bahid ng inis ang tono ng boses niya. Minsan ko lang siya makitang ganito at madalas ganito siya kapag may pagaawayan kami.

“Yeah, but why are you asking me that?” Nakita kaya niya akong naninigarilyo? But I never smoked in public. Brian’s a big health advocate and after his grandfather died from lung cancer, he hated smoking ever since. This is why I’ve never told him about it.

“Are you really not going to tell me about it?” Tumataas ang boses niya na may halong frustration. Nainis na rin ako at nagtaas na rin ako ng boses, “Ano ba ‘yon, Brian?”

May kinuha siya sa gilid ng pinto niya at nang makuha niya ito, ipinakita niya sa akin ang isang pakete ng sigarilyo. Ibinaling niya na ang tingin sa akin, kitang kita ko ang inis sa kanyang mga mata. “Ito, ano ‘to? Nakita ko sa kwarto mo kaninang umaga!”

Hindi ako nakaimik. Itinago ko ang paketeng ‘yon sa drawer ko at nawala sa isip ko nang utusan ko siya kaninang umaga na kunin ang gamit ko. 

“Ano Sai? Hindi mo pa rin ipapaliwanag sa akin ito?”

Naisuklay ko ang mga daliri ko sa aking buhok. “Anong gusto mo ipaliwanag ko sa ’yo? Oo, naninigarilyo ako. Nahuli mo na ako. Ayan na ebidensya. Ano pa ba gusto mong sabihin ko sa ‘yo?”

“Bakit kailangan mo itago sa akin ito?” 

“Kapag ba sinabi ko sa ’yo noon pa, hindi ka magagalit katulad ngayon? Hindi diba? Maiinis ka pa rin sa akin!”

“Oo, maiinis pa rin ako sa ’yo! Pero atleast kung sinabi mo sa akin noon pa lang magsisimula ka, napigilan na agad kita. Paano kung hindi ko pa nalaman? E ‘di patuloy kang ganito hanggang sa magkasakit ka na lang, ha?” 

“T*ngina! Ang OA mo Brian! Daig mo pa nanay ko!”

“Nagaalala lang naman ako para sa ’yo! Gusto ko lang naman maging ligtas ka, maging maayos ka, maging okay ka! Bakit mo ba ‘yon ikinagagalit, Sairyl?”

“Ewan ko sa ’yo, Brian!” Binuksan ko na ang pinto ng hindi na ako makatiis at naglakad na palayo. Matapos ng away na ‘yon, ilang araw din kaming hindi nag-usap o nagkita ni Brian. 

Napakadalang namin mag-away ni Brian at isa na siguro iyon sa pinakamatinding pag-aaway na nagkaroon kami. Sa huli, hindi rin nakatiis si Brian at kahit ako naman talaga ang may kasalanan ay siya pa rin ang sumuyo sa akin. Nag-usap ulit kami nang pareho na kaming kalmado. Humingi ako ng pasensya sa kanya at ganoon din siya sa akin sa pagtataas niya ng boses sa akin. Nangako naman ako sa kanya na titigilan ko na ang nasimulan kong bisyo. Hindi madali sa umpisa ngunit natutunan kong ibaling sa ibang bagay ang stress ko tulad ng pagbe-bake ng kung anu-ano, lagi na rin akong may baong chewing gum panlaban sa tuwing magke-crave ako. Iniwasan ko na rin ang mga lugar na may mga naninigarilyo. 

[A story from haveyouseenthisgirl.blog]

“Salamat mga anak.” Saad ni mama habang tinulungan siya ni Brian makahiga ng maayos sa kanyang kama. Inilabas kasi namin si mama upang makalanghap man lang siya ng sariwang hangin at malibang na rin. Nang makatulog na si mama ay umalis na kami sa kwarto niya. 

“Inaantok ka pa?” Tanong ko kay Brian nang mapansin kong humikab na naman siya. Alas kwatro na ng umaga siya natapos sa trabaho at nagpahinga lang siya saglit upang kitain kami ni mama ngayon dahil nangako siyang ipapasyal kami. Sinabi kong ipagpaliban na lang kinabuksan ngunit nagpumilit pa rin siya. 

Tumango lang siya bilang tugon, pansin ko ang bigat sa mga mata niya. “Gusto mo bang matulog muna saglit?”

Ngumiti siya at sumang-ayon sa suhestiyon ko. Tinabihan ko siya habang nagpahinga siya sa aking kama. Agad siyang nakatulog nang makahiga siya. Pinagmasdan ko ang mukha niya, kitang kita ang pagod sa napakaamong mukha niya. Napakabait sa akin ng taong ito, lahat siguro ng pwede niyang ibigay sakin pati na rin sarili niya, ay ibibigay niya sa akin maging okay lang ako. Hindi ko pa rin talaga alam kung anong nakita sa akin ni Brian o anong ginawa ko upang magkaroon ng isang tulad niya sa buhay ko? Minsan napapaisip ako, darating kaya ang araw na mapapagtanto ni Brian na wala namang espesyal sa akin? Paano kaya kung isang araw ay umayaw na siya?

Napayakap ako kay Brian. Nadaplisan ng kamay ko ang suot niyang relo. Ah, ang relong iniregalo ko sa kanya noong birthday nya pitong taon na ang nakakalipas. Hanggang ngayon suot niya pa rin, halos maluma na ngunit hindi pa rin niya pinapalitan. Hindi man lang tumutugma ang mumurahing itsura nito sa posisyon niya sa trabaho. He treasures it a lot just like how he treasures me so much in his life. Being with him for the past 7 years, it’s hard for me to imagine my life without him. Just thinking about it scares me sometimes.

Habang nasa tabi ni Brian ay nakaramdam din ako ng antok at hinayaan ko ang sarili kong makatulog din. Naalimpungatan lang ako sa tunog ng telepono ko at nang imulat ko ang mga mata ko, nakita kong hawak na ito ni Brian habang nakatingin sa screen. Nakakakunot ang noo nito at nang mapansin niyang nagising na rin ako ay saka niya ipinakita sa akin ang screen ng telepono ko.

“You and Cedric know each other?” 

Hindi ko alam kung bakit tumatawag si Cedric sa messenger pero sa lahat naman ng oras na tatawag siya,  bakit kung kailan kasama ko pa si Brian?

“Wait, is this the Cedric Fontanilla that I remember?” Tanong ulit ni Brian na siyang gumulat sa akin.

“You remember him?”

[A story from haveyouseenthisgirl.blog]

Lie About Love

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out /  Change )

Google photo

You are commenting using your Google account. Log Out /  Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out /  Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out /  Change )

Connecting to %s

%d bloggers like this: